Kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, na tumanggi silang sumampalataya sa pinababa ni Allāh dala ng paglabag dahil nagbaba si Allāh ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kaya bumalik sila kalakip ng isang galit [dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Muḥammad] sa ibabaw ng isang galit [dahil sa pagpilipit nila sa Torah]. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak.
Al-Baqarah 2:90 ⧉