Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 89 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 89 sa 286 • Tagalog


وَلَمَّا جَاءَهُمْ كِتَابٌ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُصَدِّقٌ لِمَا مَعَهُمْ وَكَانُوا مِنْ قَبْلُ يَسْتَفْتِحُونَ عَلَى الَّذِينَ كَفَرُوا فَلَمَّا جَاءَهُمْ مَا عَرَفُوا كَفَرُوا بِهِ ۚ فَلَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الْكَافِرِينَ 89
Pagsasalin:
Noong may dumating sa kanila na isang Aklat mula sa ganang kay Allāh, na tagapagpatotoo para sa taglay nila [na mga kasulatan] – samantalang sila dati bago pa niyan ay humihiling ng pagwawagi laban sa mga tumangging sumampalataya – at noong dumating sa kanila ang nakilala nila ay tumanggi silang sumampalataya rito. Kaya ang sumpa ni Allāh ay sa mga tagatangging sumampalataya. Al-Baqarah 2:89
Tafsīr:
Noong dumating sa kanila ang Marangal na Qur'ān mula sa ganang kay Allāh, na sumasang-ayon sa nasa Torah at Ebanghelyo sa mga batayang pangkalahatang tumpak – samantalang sila dati bago pa ng pagbaba nito ay nagsasabi: "Magpapaadya tayo sa laban sa mga tagapagtambal at magpapawagi para sa atin kapag may ipinadala na isang propeta para sumampalataya tayo sa kanya at sumunod tayo sa kanya" – ngunit noong dumating sa kanila ang Qur'ān at si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ayon sa katangiang nakilala nila at katotohanang nalaman nila ay tumanggi silang sumampalataya sa kanya. Kaya ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 88 Susunod Al-Baqarah • Talata 90