Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 88 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 88 sa 286 • Tagalog


وَقَالُوا قُلُوبُنَا غُلْفٌ ۚ بَلْ لَعَنَهُمُ اللَّهُ بِكُفْرِهِمْ فَقَلِيلًا مَا يُؤْمِنُونَ 88
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Ang mga puso namin ay mga nakabalot.” Bagkus isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang- pananampalataya nila kaya kakaunti ang sinasampalatayanan nila. Al-Baqarah 2:88
Tafsīr:
Talaga ngang ang katwiran ng mga Hudyo noon sa kawalan ng pagsunod kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang sabi nila: "Tunay na ang mga puso namin ay binalutan, na walang nakararating sa mga ito na anuman mula sa sinasabi mo at hindi nakaiintindi niyon." Ang kalagayan ay hindi gaya ng hinaka-haka nila, bagkus nagtaboy sa kanila si Allāh mula sa awa Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila sapagkat hindi sila sumasampalataya maliban sa kakaunti mula sa pinababa ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 87 Susunod Al-Baqarah • Talata 89