Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 87 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 87 sa 286 • Tagalog


وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَقَفَّيْنَا مِنْ بَعْدِهِ بِالرُّسُلِ ۖ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ أَفَكُلَّمَا جَاءَكُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَىٰ أَنْفُسُكُمُ اسْتَكْبَرْتُمْ فَفَرِيقًا كَذَّبْتُمْ وَفَرِيقًا تَقْتُلُونَ 87
Pagsasalin:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at nagpasunod Kami matapos na Niya ng mga sugo. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at nag-alalay Kami sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo? Al-Baqarah 2:87
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagpasunod Kami sa kanya ng mga sugo nang matapos niya sa bakas niya. Nagbigay Kami kay Hesus na anak ni Maria ng mga tanda na maliwanag na naglilinaw sa katapatan niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay, ng pagpapagaling sa ipinanganak na bulag, at ng pagpapagaling sa ketongin. Nagpalakas Kami sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo, O mga anak ni Israel, na isang sugo mula sa ganang kay Allāh ng anumang hindi sumasang-ayon sa mga pithaya ninyo ay nagmamalaki kayo sa katotohanan at nagpapakataas-taas kayo sa mga sugo ni Allāh sapagkat may isang pangkat kabilang sa kanila na pinasisinungalingan ninyo at may isang pangkat na pinapatay ninyo?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 86 Susunod Al-Baqarah • Talata 88