Talaga ngang naghatid sa inyo si Moises ng mga malinaw na patunay. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan. Al-Baqarah 2:92 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang naghatid sa inyo ang sugo ninyong si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya. Pagkatapos, matapos niyon ay gumawa kayo sa guya bilang diyos na sinasamba ninyo matapos ng pag-alis ni Moises para sa pakikipagtipan sa Panginoon niya habang kayo ay tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh samantalang Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya na walang iba pa sa Kanya.