Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 93 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 93 sa 286 • Tagalog


وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَاقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ الطُّورَ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاسْمَعُوا ۖ قَالُوا سَمِعْنَا وَعَصَيْنَا وَأُشْرِبُوا فِي قُلُوبِهِمُ الْعِجْلَ بِكُفْرِهِمْ ۚ قُلْ بِئْسَمَا يَأْمُرُكُمْ بِهِ إِيمَانُكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 93
Pagsasalin:
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nagsasabi]: “Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo [na mga kasulatan] nang may lakas at makinig kayo.” Nagsabi sila: “Nakarinig kami at sumuway kami.” Pinahumaling sila sa mga puso nila ng [pagsamba sa] guya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo: “Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalataya ninyo, kung kayo ay mga mananampalataya.” Al-Baqarah 2:93
Tafsīr:
Banggitin ninyo noong tumanggap Kami sa inyo ng isang tipang binigyang-diin sa pamamagitan ng pagsunod kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng pagtanggap sa inihatid niya mula sa ganang kay Allāh at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok bilang pagpapangamba sa inyo, at nagsabi kami sa inyo: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap at makinig kayo nang pakikinig ng pagtanggap at pagpapaakay at kung hindi ay ibabagsak Namin ang bundok sa inyo. Nagsabi kayo: "Nakarinig kami sa pamamagitan ng mga tainga namin at sumuway kami sa pamamagitan ng mga gawa namin." Nanaig ang pagsamba sa guya sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo, O Propeta: "Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalatayang ito na kawalang-pananampalataya kay Allāh kung kayo ay mga mánanampalataya dahil ang pananampalatayang totoo ay hindi mangyayaring may kasama itong kawalang-pananampalataya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 92 Susunod Al-Baqarah • Talata 94