Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha lamang Kami sa inyo nang walang-kabuluhan, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin [para tuusin]? Al-Mu’minūn 23:115 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpalagay ba kayo, O mga tao, na lumikha lamang Kami sa inyo bilang laro na walang kasanhian, kaya walang gantimpala at walang parusa tulad ng mga hayop, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti?