Magsasabi Siya: “Hindi kayo namalagi kundi sa kaunting [sandali], kung sakaling kayo noon ay nakaaalam [sa sukat ng pamamalagi ninyo].” Al-Mu’minūn 23:114 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi Siya: "Hindi kayo nanatili sa Mundo kundi sa kaunting panahon upang mapadali ang pagtitiis doon sa pagtalima, kung sakaling kayo ay nakaaalam noon sa sukat ng pananatili ninyo."