Kaya nagsabi Kami: “Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin.” Kaya winasak Namin sila nang [lubusang] pagwasak. Al-Furqān 25:36 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagsabi Kami sa kanilang dalawa: "Pumunta kayong dalawa kay Paraon at sa mga tao niyang nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya sumunod silang dalawa sa utos Namin. Pumunta silang dalawa sa kanila at nag-anyaya silang dalawa sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya nagpahamak Kami sa kanila nang isang pagpapahamak na matindi.