Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 37 sa 77 • Tagalog


وَقَوْمَ نُوحٍ لَمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ أَغْرَقْنَاهُمْ وَجَعَلْنَاهُمْ لِلنَّاسِ آيَةً ۖ وَأَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ عَذَابًا أَلِيمًا 37
Pagsasalin:
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit. Al-Furqān 25:37
Tafsīr:
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa pamamagitan ng pagpapasinungaling nila kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan, ay ipinahamak Namin sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Ginawa Namin ang pagpapahamak sa kanila bilang katunayan sa kakayahan Namin sa paglipol sa mga tagalabag sa katarungan. Naghanda Kami para sa mga tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Furqān • Talata 36 Susunod Al-Furqān • Talata 38