Nagsabi sila: “Walang kapinsalaan [sa banta sa amin]; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi. Ash-Shu‘arā’ 26:50 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga manggagaway kay Paraon: "Walang pinsala sa anumang ibinabanta mo sa amin na pagputol at pagbibitin [sa puno] sa Mundo sapagkat ang pagdurusang dulot mo ay maglalaho samantalang kami sa Panginoon namin ay mga uuwi. Magpapapasok Siya sa amin sa awa Niyang palagian.