Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shu‘arā’ — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shu‘arā’ • Talata 49 sa 227 • Tagalog


قَالَ آمَنْتُمْ لَهُ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُ لَكَبِيرُكُمُ الَّذِي عَلَّمَكُمُ السِّحْرَ فَلَسَوْفَ تَعْلَمُونَ ۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ مِنْ خِلَافٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ 49
Pagsasalin:
Nagsabi [si Paraon]: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama.” Ash-Shu‘arā’ 26:49
Tafsīr:
Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila: "Naniwala ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang siya ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Nagsabwatan kayong lahat sa pagpapalisan sa mga mamamayan ng Ehipto mula sa Ehipto kaya talagang malalaman ninyo ang ibabagsak ko sa inyo na parusa. Talagang magpuputul-putol nga ako ng paa ng bawat isa at ng kamay niya nang magkabilaan sa mga ito sa pamamagitan ng pagputol sa kanang paa kaalinsabay ng kaliwang kamay, o kabaliktaran. Talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama sa mga troso ng punong-datiles. Hindi ako magtitira mula sa inyo ng isa man."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shu‘arā’ • Talata 48 Susunod Ash-Shu‘arā’ • Talata 50