Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 36 sa 93 • Tagalog


فَلَمَّا جَاءَ سُلَيْمَانَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٍ فَمَا آتَانِيَ اللَّهُ خَيْرٌ مِمَّا آتَاكُمْ بَلْ أَنْتُمْ بِهَدِيَّتِكُمْ تَفْرَحُونَ 36
Pagsasalin:
Kaya noong dumating [ang sugo] kay Solomon ay nagsabi siya: “Mag-aayuda ba kayo sa akin ng yaman gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa. An-Naml 27:36
Tafsīr:
Kaya noong dumating ang sugo ng reyna at ang kasama rito na mga katulong nito na nagdadala ng regalo kay Solomon, minasama sa kanila ni Solomon ang pagpapadala ng regalo habang nagsasabi: "Mag-aayuda ba kayo sa akin ng mga yaman upang maglihis kayo sa akin palayo sa inyo gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh na pagkapropeta, paghahari, at yaman ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo ay ang natutuwa sa iniregalo sa inyo mula sa mga latak ng Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 35 Susunod An-Naml • Talata 37