Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanila ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang mga kaaba-aba habang sila ay mga nanliliit. An-Naml 27:37 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa sugo ng reyna: "Ibalik mo sa kanila ang dinala mong regalo sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanya at sa mga tao niya ng mga kawal na walang kakayahan sa kanila sa pakikipagharap sa mga ito, at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula sa Sheba habang sila ay mga hamak na inaaba matapos ng dati nilang taglay na dangal, kung hindi sila pupunta sa akin na mga nagpapasailalim."