Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 38 sa 69 • Tagalog


وَعَادًا وَثَمُودَ وَقَدْ تَبَيَّنَ لَكُمْ مِنْ مَسَاكِنِهِمْ ۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَكَانُوا مُسْتَبْصِرِينَ 38
Pagsasalin:
[Nagpahamak Kami] sa `Ād at Thamūd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos. Al-‘Ankabūt 29:38
Tafsīr:
Nagpahamak Kami nang gayon sa [liping] `Ād, ang mga kalipi ni Hūd, at sa [liping] Thamūd, ang mga kalipi ni Ṣāliḥ. Luminaw nga para sa inyo, O mga naninirahan sa Makkah, mula sa mga tirahan nila sa Shijr ng Ḥaḍramawt [sa Yemen] at Ḥijr ang nagpapatunay sa inyo sa pagpapahamak sa kanila sapagkat ang mga tirahan nilang walang laman ay sumasaksi roon. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila na sila noon ay nasa mga iyon gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito na mga pagsuway. Nagpalihis siya sa kanila palayo sa landasing tuwid habang sila noon ay mga may pagkakita sa katotohanan, pagkaligaw, pagkagabay, at pagkalisya dahil sa itinuro sa kanila ng mga sugo nila, subalit pinili nila ang pagsunod sa pithaya sa halip ng pagsunod sa patnubay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 37 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 39