Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 39 sa 69 • Tagalog


وَقَارُونَ وَفِرْعَوْنَ وَهَامَانَ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانُوا سَابِقِينَ 39
Pagsasalin:
[Nagpahamak Kami] kina Qārūn, Paraon, at Hāmān. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagmalaki sila sa lupain at hindi sila noon mga nakauuna. Al-‘Ankabūt 29:39
Tafsīr:
Nagpahamak Kami kay Qārūn – noong nagpakapalalo siya laban sa mga kalipi ni Moises – sa pamamagitan ng pagpapalamon sa kanya at sa tahanan niya [sa lupa]. Nagpahamak Kami kay Paraon at sa katuwang niyang si Hāmān sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya, ngunit nagmalaki sila sa lupain ng Ehipto sa halip ng pagsampalataya sa kanya. Hindi sila naging ukol maligtas mula sa pagdurusang dulot Namin sa pamamagitan ng pagkaalpas nila sa Amin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 38 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 40