Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 7 sa 200 • Tagalog


هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ عَلَيْكَ الْكِتَابَ مِنْهُ آيَاتٌ مُحْكَمَاتٌ هُنَّ أُمُّ الْكِتَابِ وَأُخَرُ مُتَشَابِهَاتٌ ۖ فَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ زَيْغٌ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَابَهَ مِنْهُ ابْتِغَاءَ الْفِتْنَةِ وَابْتِغَاءَ تَأْوِيلِهِ ۗ وَمَا يَعْلَمُ تَأْوِيلَهُ إِلَّا اللَّهُ ۗ وَالرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ يَقُولُونَ آمَنَّا بِهِ كُلٌّ مِنْ عِنْدِ رَبِّنَا ۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ 7
Pagsasalin:
Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan – na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat – at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko [palayo sa katotohanan], sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: “Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin.” Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip. Āl ‘Imrān 3:7
Tafsīr:
Siya ay ang nagpababa sa iyo, O Propeta, ng Qur'ān. Bahagi nito ay mga talatang maliwanag ang pahiwatig, na walang kalituhan sa mga ito. Ang mga ito ay ang saligan ng Aklat at ang karamihan doon. Ang mga ito ay ang sanggunian sa sandali ng pagkakaiba-iba. Bahagi rin nito ay mga talatang iba pa, na naglalaman ng higit sa isang kahulugan, na nakalilito ang kahulugan ng mga ito sa higit na marami sa mga tao. Hinggil sa mga yaong sa mga puso nila ay may pagkiling palayo sa katotohanan, iniiwan nila ang tahas at kinukuha nila ang malamang na talinghaga. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagpukaw sa kalituhan at pagliligaw sa mga tao. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagpapakahulugan sa pamamagitan ng mga pithaya nila ayon sa umaangkop sa mga tiwaling paniniwala nila. Walang nakaaalam sa reyalidad ng mga kahulugan ng mga talatang ito at kahihinatnan ng mga ito na ipinakakahulugan kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman, na mga nagpakahusay dito, ay nagsasabi: "Sumampalataya kami sa Qur'ān sa kabuuan nito dahil ito sa kabuuan nito ay mula sa ganang Panginoon namin." Ipinaliliwanag nila ang talinghaga sa pamamagitan ng tahasan mula rito. Walang nagsasaalaala at napangangaralan kundi ang mga may matinong pag-iisip.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 6 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 8