Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 8 sa 200 • Tagalog


رَبَّنَا لَا تُزِغْ قُلُوبَنَا بَعْدَ إِذْ هَدَيْتَنَا وَهَبْ لَنَا مِنْ لَدُنْكَ رَحْمَةً ۚ إِنَّكَ أَنْتَ الْوَهَّابُ 8
Pagsasalin:
“Panginoon namin, huwag Kang magpaliko sa mga puso namin matapos noong nagpatnubay Ka sa amin at magkaloob Ka sa amin ng awa mula sa panig Mo; tunay na Ikaw ay ang Palakaloob. Āl ‘Imrān 3:8
Tafsīr:
Ang mga nagpakalalim na ito ay nagsasabi: "Panginoon namin, huwag Kang magpakiling sa mga puso namin palayo sa katotohanan matapos na nagpatnubay Ka sa amin tungo roon, mangalaga Ka sa amin laban sa tumama sa mga lumilihis na kumiling palayo sa katotohanan. Magkaloob Ka sa amin ng awang malawak mula sa ganang Iyo, na ipinapatnubay Mo sa mga puso namin. Magsanggalang Ka sa amin laban sa pagkaligaw. Tunay na Ikaw, O Panginoon namin, ay ang Mapagkaloob, ang maraming magbigay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 7 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 9