Landscape MP4 Vertical MP4

Surah As-Sajdah — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

As-Sajdah • Talata 3 sa 30 • Tagalog


أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۚ بَلْ هُوَ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ لِتُنْذِرَ قَوْمًا مَا أَتَاهُمْ مِنْ نَذِيرٍ مِنْ قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ 3
Pagsasalin:
O nagsasabi sila na ginawa-gawa niya [ang Qur’̄ā na] ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala bago mo pa, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan. As-Sajdah 32:3
Tafsīr:
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha nito laban sa Panginoon niya." Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila. Bagkus ito ay ang katotohanang walang pag-aalinlangan hinggil dito, na pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo, O Sugo, upang magpangamba ka sa mga taong walang dumating sa kanila na isang sugo bago mo pa, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan tungo sa katotohanan para sumunod sila rito at gumawa sila ayon dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna As-Sajdah • Talata 2 Susunod As-Sajdah • Talata 4