Landscape MP4 Vertical MP4

Surah As-Sajdah — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

As-Sajdah • Talata 4 sa 30 • Tagalog


اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ مَا لَكُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا شَفِيعٍ ۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ 4
Pagsasalin:
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kaya hindi ba kayo magsasaalaala? As-Sajdah 32:4
Tafsīr:
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit, lumikha ng lupa, at lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw – gayong Siya ay nakakakaya sa paglikha sa mga ito sa higit na maiksi kaysa sa isang kurap ng mata. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa sa Kanya na anumang mapagtangkilik na tatangkilik sa nauukol sa inyo ni mapagpamagitang mamamagitan para sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo. Kaya ba hindi kayo nag-iisip-isip at sumasamba kayo kay Allāh na lumikha sa inyo at hindi kayo sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna As-Sajdah • Talata 3 Susunod As-Sajdah • Talata 5