Nangangasiwa Siya sa usapin [ng nilikha Niya] mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos papanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo. As-Sajdah 32:5 ⧉
Tafsīr:
Nangangasiwa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa nauukol sa lahat ng mga nilikha sa mga langit at sa lupa. Pagkatapos aakyat sa Kanya ang usaping iyon sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo mismo, O mga tao, sa Mundo.