Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 46

مَنْ عَمِلَ صَالِحًا فَلِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ أَسَاءَ فَعَلَيْهَا ۗ وَمَا رَبُّكَ بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ 46 ٤٦

Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga [tao at jinn na] alipin [Niya]. (46)

Tafsīr
Ang sinumang gumawa ng gawang maayos, ang pakinabang sa gawa niyang maayos ay manunumbalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napakikinabang ng gawang maayos ng isa man. Ang sinumang gumawa ng gawang masagwa, ang pinsala niyon ay babalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng isang pagsuway ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya. Gaganti Siya sa bawat isa ng naging karapat-dapat dito. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin Niya sapagkat hindi Siya magbabawas sa kanila ng isang magandang gawa at hindi Siya magdaragdag sa kanila ng isang masagwang gawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba