Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga [tao at jinn na] alipin [Niya]. Fuṣṣilat 41:46 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang gumawa ng gawang maayos, ang pakinabang sa gawa niyang maayos ay manunumbalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napakikinabang ng gawang maayos ng isa man. Ang sinumang gumawa ng gawang masagwa, ang pinsala niyon ay babalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng isang pagsuway ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya. Gaganti Siya sa bawat isa ng naging karapat-dapat dito. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin Niya sapagkat hindi Siya magbabawas sa kanila ng isang magandang gawa at hindi Siya magdaragdag sa kanila ng isang masagwang gawa.