Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 45 sa 54 • Tagalog


وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَاخْتُلِفَ فِيهِ ۗ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ 45
Pagsasalin:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan, ngunit nagkaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān]. Fuṣṣilat 41:45
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya roon at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya roon. Kung hindi dahil sa isang pangako mula kay Allāh na magpasya sa pagitan ng mga tao sa Araw ng Pagbangon hinggil sa ipinagkaiba-iba nila, talaga sanang humatol sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba hinggil sa Torah kaya nilinaw Niya ang nagtototoo at ang nagbubulaan, saka pinarangalan Niya ang nagtototoo at hinamak Niya ang nagbubulaan. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay talagang nasa isang pagdududa sa nauukol sa Qur'ān, na nag-aalinlangan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 44 Susunod Fuṣṣilat • Talata 46