Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 39 sa 73 • Tagalog


الَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَالَاتِ اللَّهِ وَيَخْشَوْنَهُ وَلَا يَخْشَوْنَ أَحَدًا إِلَّا اللَّهَ ۗ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ حَسِيبًا 39
Pagsasalin:
[Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo ni Allāh at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Mapagtuos. Al-Aḥzāb 33:39
Tafsīr:
Itong mga propeta ay ang nagpaabot ng mga pasugo ni Allāh na pinababa sa kanila sa mga kalipunan nila. Hindi sila nangangamba sa isa man maliban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – kaya hindi sila pumapansin sa sinasabi ng iba pa sa kanila kapag ginagawa nila ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila. Nakasapat si Allāh bilang tagaingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya upang tumuos sa kanila sa mga ito at gumanti sa kanila sa mga ito, na kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [din ang ganti].
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 38 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 40