Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 38 sa 73 • Tagalog


مَا كَانَ عَلَى النَّبِيِّ مِنْ حَرَجٍ فِيمَا فَرَضَ اللَّهُ لَهُ ۖ سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ قَدَرًا مَقْدُورًا 38
Pagsasalin:
Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang kaasiwaan sa anumang isinatungkulin ni Allāh para sa kanya. Bilang kalakaran ni Allāh sa mga nakalipas bago pa niyan. Laging ang kautusan ni Allāh ay isang pagtatakdang itinakda. Al-Aḥzāb 33:38
Tafsīr:
Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa [dating] maybahay ng anak niya sa pag-aampon. Siya, kaugnay roon, ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta bago pa niya sapagkat siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh – na pagsasagawa ng kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon samantalang ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian – ay isang pagtatadhanang matutupad, na walang makahahadlang dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 37 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 39