Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 2 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 2 sa 45 • Tagalog


مَا يَفْتَحِ اللَّهُ لِلنَّاسِ مِنْ رَحْمَةٍ فَلَا مُمْسِكَ لَهَا ۖ وَمَا يُمْسِكْ فَلَا مُرْسِلَ لَهُ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 2
Pagsasalin:
Ang anumang binubuksan ni Allāh para sa mga tao na awa ay walang tagapigil para rito at ang anumang pinipigil Niya ay walang tagapagpakawala para rito matapos na niyon. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. Fāṭir 35:2
Tafsīr:
Tunay na ang mga susi ng bawat bagay ay nasa kamay ni Allāh kaya ang anumang binubuksan Niya para sa mga tao na panustos, kapatnubayan, kaligayahan, at iba pa roon na mga biyaya ay walang isang nakakakaya na humadlang nito; at ang anumang pinipigil Niya mula roon ay walang isang nakakakaya sa pagpapakawala nito nang matapos ng pagpigil Niya rito. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 1 Susunod Fāṭir • Talata 3