Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 1 sa 45 • Tagalog


الْحَمْدُ لِلَّهِ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ جَاعِلِ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا أُولِي أَجْنِحَةٍ مَثْنَىٰ وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ ۚ يَزِيدُ فِي الْخَلْقِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 1
Pagsasalin:
Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Fāṭir 35:1
Tafsīr:
Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang pagkakatulad na nauna, na gumawa mula sa mga anghel bilang mga sugong nagpapatupad sa mga utos Niya na pang-itinakda. Mayroon sa kanila na nagpapaabot sa mga propeta ng kasi at nagpalakas sa mga iyon sa pagganap sa ipinagkatiwala sa mga iyon. Mayroon sa kanila na may dalawang pakpak, may tatlo, at may apat, na lumilipad sa pamamagitan nito para sa pagpapatupad ng ipinag-utos Niya. Nagdaragdag si Allāh sa paglikha ng anumang niloloob Niya na anumang bahagi ng katawan o kagandahan o tinig. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 54 Susunod Fāṭir • Talata 2