Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 54 sa 54 • Tagalog


وَحِيلَ بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ مَا يَشْتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشْيَاعِهِمْ مِنْ قَبْلُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا فِي شَكٍّ مُرِيبٍ 54
Pagsasalin:
Haharangan sa pagitan nila at ng ninanasa nila, gaya ng ginawa sa mga kakampi nila bago pa niyan. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan [sa buhay sa Kabilang-buhay]. Saba’ 34:54
Tafsīr:
Pipigilan ang mga tagapasinungaling na ito sa pagtamo sa ninanasa nila na mga sarap ng buhay, sa pagbabalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya at kaligtasan sa Apoy, at sa panunumbalik sa buhay na pangmundo, gaya ng ginawa sa mga tulad nila mula sa mga kalipunang tagapasinungaling bago pa nila. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududa sa inihatid ng mga sugo na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pananampalataya sa pagkabuhay na muli, ayon sa pagdududang naghihikayat sa kawalang-pananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 53 Susunod Fāṭir • Talata 1