Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 15 sa 75 • Tagalog


فَاعْبُدُوا مَا شِئْتُمْ مِنْ دُونِهِ ۗ قُلْ إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ 15
Pagsasalin:
Kaya sambahin ninyo, [O mga tagatangging sumampalatay, kung ninais ninyo,] ang anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya.” Sabihin mo: “Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon.” Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw. Az-Zumar 39:15
Tafsīr:
Kaya sumamba kayo mismo, O mga tagapagtambal, sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya kabilang sa mga diyus-diyusan." (Ang pag-uutos ay para sa pagbabanta.) Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga lugi nang totohanan ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nagpalugi sa mga mag-anak nila sapagkat hindi sila makikipagkita sa mga ito dahil sa pagkakahiwalay nila sa mga ito dahil sa pamumukod-tangi nila sa pagpasok sa Hardin o sa pagpasok nila kasama sa mga ito sa Apoy, kaya naman hindi sila magkikita magpakailanman. Pansinin, iyon sa totoo ay ang pagkaluging maliwanag na walang pagkalito hinggil doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 14 Susunod Az-Zumar • Talata 16