Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 16 sa 75 • Tagalog


لَهُمْ مِنْ فَوْقِهِمْ ظُلَلٌ مِنَ النَّارِ وَمِنْ تَحْتِهِمْ ظُلَلٌ ۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ اللَّهُ بِهِ عِبَادَهُ ۚ يَا عِبَادِ فَاتَّقُونِ 16
Pagsasalin:
Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng mga kulandong mula sa apoy at mula sa ilalim nila ng mga kulandong. Iyon ay ipinapangamba ni Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: “O mga lingkod Ko, kaya mangilag kayong magkasala sa Akin.” Az-Zumar 39:16
Tafsīr:
Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng usok, liyab, at init, at mula sa ilalim nila ng usok, liyab, at init. Ang nabanggit na iyon na pagdurusa ay ipinapangamba ni Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: "O mga lingkod Ko, kaya mangilag kayong magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 15 Susunod Az-Zumar • Talata 17