Ang mga umiwas sa nagpapakadiyos na sumamba sila rito at nagsisising bumabalik kay Allāh, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak [hinggil sa Paraiso]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa mga lingkod Ko, Az-Zumar 39:17 ⧉
Tafsīr:
Ang mga umiwas sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh, at bumalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak hinggil sa paraiso sa sandali ng kamatayan, sa libingan, at sa Araw ng Pagbangon. Kaya magbalita ka, O Sugo, ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,