ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak. An-Nisā’ 4:151 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tumatahak na iyon sa tinatahakang ito ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Iyon ay dahil sa ang sinumang tumangging sumampalataya sa mga sugo o sa ilan sa kanila ay tumanggi ngang sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Naghanda Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang parusa sa kanila dahil sa pagpapakamalaki nila laban sa pananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya.