Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 152 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 152 sa 176 • Tagalog


وَالَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ وَلَمْ يُفَرِّقُوا بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ أُولَٰئِكَ سَوْفَ يُؤْتِيهِمْ أُجُورَهُمْ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 152
Pagsasalin:
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila, ang mga iyon ay bibigyan Niya ng mga pabuya nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. An-Nisā’ 4:152
Tafsīr:
Ang mga sumampalataya kay Allāh, naniniwala sa kaisahan Niya, hindi nagtambal sa Kanya ng isa man, naniwala sa mga sugo Niya sa kalahatan, at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila gaya ng ginagawa ng mga tagatangging sumampalataya bagkus sumampalataya sa kanila sa kalahatan, ang mga iyon ay bibigyan ni Allāh ng pabuyang sukdulan bilang ganti sa pananampalataya nila at mga gawa nilang maayos na namumutawi mula roon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 151 Susunod An-Nisā’ • Talata 153