Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 7 sa 176 • Tagalog


لِلرِّجَالِ نَصِيبٌ مِمَّا تَرَكَ الْوَالِدَانِ وَالْأَقْرَبُونَ وَلِلنِّسَاءِ نَصِيبٌ مِمَّا تَرَكَ الْوَالِدَانِ وَالْأَقْرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنْهُ أَوْ كَثُرَ ۚ نَصِيبًا مَفْرُوضًا 7
Pagsasalin:
Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin. An-Nisā’ 4:7
Tafsīr:
Ukol sa mga lalaki ay isang parte mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak gaya ng mga kapatid at mga tiyuhin sa ama matapos ng kamatayan nila, kaunti man o marami, at ukol sa mga babae ay isang parte mula sa naiwan ng mga nabanggit na ito, bilang kasalungatan naman para sa naging lagay ng Panahon ng Kamangmangan na pagkakait sa mga babae at mga bata mula sa mamanahin. Ang bahaging ito ay karapatang nilinaw ang kantidad, na isinatungkulin mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 6 Susunod An-Nisā’ • Talata 8