Kapag dumalo sa paghahati ang mga mayroong pagkakamag-anak, ang mga ulila, at ang mga dukha ay magkaloob kayo sa kanila mula rito at magsabi kayo sa kanila ng nakabubuti. An-Nisā’ 4:8 ⧉
Tafsīr:
Kapag dumalo sa paghahati ng naiwan ang hindi nagmamana kabilang sa mga kamag-anak, mga ulila, at mga dukha ay magbigay kayo sa kanila, sa paraang itinuturing na kaibig-ibig, mula sa yamang ito bago ng paghahati rito ng naging kaaya-aya sa mga sarili ninyo sapagkat sila ay nag-aabang-abang nito at pumunta sila sa inyo nang walang hirap. Magsabi kayo sa kanila ng magandang salita na walang kasagwaan.