Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos at sumampalataya sa [Qur’ān na] ibinaba kay [Propeta] Muḥammad – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila at magsasaayos Siya sa lagay nila [sa Mundo at Kabilang-buhay]. Muḥammad 47:2 ⧉
Tafsīr:
Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos at sumampalataya sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila kaya hindi Niya sila sisisihin dahil sa mga ito at magsasaayos Siya para sa kanila ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.