Iyon ay dahil ang mga tumangging sumampalataya ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Gayon naglalahad si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalintulad sa kanila. Muḥammad 47:3 ⧉
Tafsīr:
Ang ganting nabanggit na iyon para sa dalawang pangkat ay dahilan sa ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman kay Allāh at sa Sugo Niya ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila, kaya nagkaiba ang ganti sa dalawa dahil sa pagkakaiba ng pagsisikap ng dalawa. Gaya ng paglilinaw ni Allāh ng kahatulan Niya sa dalawang pangkat, ang pangkat ng mga mananampalataya at ang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya, naglalahad si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalintulad nila kaya inuugnay Niya ang kapareho sa kapareho nito.