Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang. Kung sasampalataya kayo at mangingilag kayong magkasala ay magbibigay Siya sa inyo ng mga pabuya ninyo at hindi Siya hihingi sa inyo ng mga yaman ninyo. Muḥammad 47:36 ⧉
Tafsīr:
Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang kaya hindi pinagkakaabalahan ito ng isang nakapag-uunawa kapalit ng paggawa para sa Kabilang-buhay niya. Kung sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala ng mga gawa ninyo nang lubusan, na walang ibinawas, at hindi Siya hihiling mula sa inyo ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito; humihiling lamang Siya mula sa inyo ng isinatungkuling zakāh.