Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Muḥammad — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Muḥammad • Talata 35 sa 38 • Tagalog


فَلَا تَهِنُوا وَتَدْعُوا إِلَى السَّلْمِ وَأَنْتُمُ الْأَعْلَوْنَ وَاللَّهُ مَعَكُمْ وَلَنْ يَتِرَكُمْ أَعْمَالَكُمْ 35
Pagsasalin:
Kaya huwag kayong panghinaan at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan samantalang kayo ay ang mga pinakamataas at si Allāh ay kasama sa inyo. Hindi Siya magbabawas sa inyo sa [gantimpala sa] mga gawa ninyo. Muḥammad 47:35
Tafsīr:
Kaya huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, sa pagharap sa kaaway ninyo at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan bago sila mag-anyaya sa inyo tungo roon samantalang kayo ay ang mga nakagapi na mga nanaig sa kanila at si Allāh ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at pag-alalay Niya. Hindi Siya magpapakulang sa inyo sa gantimpala sa mga gawa ninyo sa anuman, bagkus magdaragdag Siya sa inyo ng kagandahang-loob mula sa Kanya at ng pagmamabuting-loob.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Muḥammad • Talata 34 Susunod Muḥammad • Talata 36