Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh – pagkatapos namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya – ay hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Muḥammad 47:34 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, naglihis ng mga sarili nila at naglihis sa mga tao palayo sa relihiyon ni Allāh – pagkatapos namatay sila sa kawalang-pananampalataya nila bago ng pagbabalik-loob – ay hindi magpapalampas si Allāh sa mga pagkakasala nila sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito, bagkus maninisi sa kanila at magpapapasok sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.