Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 12 sa 18 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اجْتَنِبُوا كَثِيرًا مِنَ الظَّنِّ إِنَّ بَعْضَ الظَّنِّ إِثْمٌ ۖ وَلَا تَجَسَّسُوا وَلَا يَغْتَبْ بَعْضُكُمْ بَعْضًا ۚ أَيُحِبُّ أَحَدُكُمْ أَنْ يَأْكُلَ لَحْمَ أَخِيهِ مَيْتًا فَكَرِهْتُمُوهُ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ رَحِيمٌ 12
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Nasuklam kayo rito [kaya kasuklaman ninyo ang panlilibak]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain. Al-Ḥujurāt 49:12
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, lumayo kayo sa maraming paghihinala na hindi nakabatay sa nagpapatibay sa mga iyon na mga kadahilanan at mga ebidensiya. Tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan gaya ng kasagwaan ng pagpapalagay sa sinumang ang panlabas ay ang kaayusan. Huwag kayong magsiyasat sa mga kahihiyan ng mga mananampalataya sa likuran nila. Huwag bumanggit ang isa sa inyo sa kapatid niya ng kasusuklaman nito sapagkat tunay na ang pagbanggit dito ng kasusuklaman nito ay tulad ng pagkain sa laman nito kapag patay na. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Kaya masuklam kayo sa panlilibak dito sapagkat ito ay tulad niya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa Kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 11 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 13