Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 11 sa 18 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا يَسْخَرْ قَوْمٌ مِنْ قَوْمٍ عَسَىٰ أَنْ يَكُونُوا خَيْرًا مِنْهُمْ وَلَا نِسَاءٌ مِنْ نِسَاءٍ عَسَىٰ أَنْ يَكُنَّ خَيْرًا مِنْهُنَّ ۖ وَلَا تَلْمِزُوا أَنْفُسَكُمْ وَلَا تَنَابَزُوا بِالْأَلْقَابِ ۖ بِئْسَ الِاسْمُ الْفُسُوقُ بَعْدَ الْإِيمَانِ ۚ وَمَنْ لَمْ يَتُبْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ 11
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]; at huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa’t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya [sa Islām]. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. Al-Ḥujurāt 49:11
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, huwag mangutya ang ilang lalaki kabilang sa inyo sa ilang lalaki; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Ang isinasaalang-alang ay ayon sa ganang kay Allāh. Huwag mangutya ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Huwag kayong mamintas sa mga kapatid ninyo sapagkat sila ay nasa kalagayan ng mga sarili ninyo. Huwag manukso ang iba sa inyo sa iba pa sa pamamagitan ng isang taguring kasusuklaman nito, gaya ng kalagayan ng ilan sa Anṣār bago ng pagdating ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang sinumang gumawa niyon kabilang sa inyo, siya ay isang suwail. Kay saklap bilang katangian ang katangian ng kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagsuway na ito, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa ginawa nila na mga pagsuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 10 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 12