Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Ḥujurāt 49:5 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling ang mga tumatawag na ito sa iyo, O Sugo, mula sa likuran ng mga silid ng mga maybahay mo ay nagtiis saka hindi tumawag sa iyo hanggang sa lumabas ka sa kanila para kumausap sila sa iyo habang pinahihina ang mga tinig nila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila kaysa sa pagtawag sa iyo mula sa likuran ng mga iyon dahil sa dulot nito na paggalang at pagrespeto. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila at kabilang sa iba pa sa kanila, Mapagpatawad sa kanila dahil sa kamangmangan nila, Maawain sa kanila.