Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 6 sa 18 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ جَاءَكُمْ فَاسِقٌ بِنَبَإٍ فَتَبَيَّنُوا أَنْ تُصِيبُوا قَوْمًا بِجَهَالَةٍ فَتُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا فَعَلْتُمْ نَادِمِينَ 6
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi. Al-Ḥujurāt 49:6
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang ulat tungkol sa mga tao ay tumiyak kayo sa katumpakan ng ulat niya at huwag kayong magdali-dali sa paniniwala sa kanya sa pangambang baka makapaminsala kayo – kapag naniwala kayo sa ulat niya nang walang pagtitiyak – sa mga tao dahil sa isang krimen habang kayo ay mga mangmang sa reyalidad ng kalagayan nila, kaya kayo matapos ng pamiminsala ninyo sa kanila ay baka maging mga nagsisisi kapag luminaw sa inyo ang kasinungalingan ng ulat niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 5 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 7