Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 7 sa 18 • Tagalog


وَاعْلَمُوا أَنَّ فِيكُمْ رَسُولَ اللَّهِ ۚ لَوْ يُطِيعُكُمْ فِي كَثِيرٍ مِنَ الْأَمْرِ لَعَنِتُّمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ حَبَّبَ إِلَيْكُمُ الْإِيمَانَ وَزَيَّنَهُ فِي قُلُوبِكُمْ وَكَرَّهَ إِلَيْكُمُ الْكُفْرَ وَالْفُسُوقَ وَالْعِصْيَانَ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الرَّاشِدُونَ 7
Pagsasalin:
Alamin ninyo na nasa inyo ang Sugo ni Allāh [na si Propeta Muḥammad]. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa usapin ay talaga sanang nahirapan kayo. Subalit si Allāh ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaakit nito sa mga puso ninyo, at nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at kasuwailan. Ang mga iyon ay ang mga nagagabayan. Al-Ḥujurāt 49:7
Tafsīr:
Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na nasa inyo ang Sugo ni Allāh habang bumababa sa kanya ang kasi kaya mag-ingat kayo na magsinungaling sapagkat bumababa sa kanya ang kasi na nagpapabatid sa kanya ng kasinungalingan ninyo. Siya ay higit sa nakaaalam sa anumang naroon ang kapakanan ninyo. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa iminumungkahi ninyo sa kanya ay talaga sanang nasadlak kayo sa pahirap na hindi niya kinalulugdan para sa inyo. Subalit si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaganda nito sa mga puso ninyo kaya sumampalataya kayo, nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa pagtalima sa Kanya, at nagpasuklam sa inyo ng pagsuway sa Kanya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga tumatahak sa daan ng pagkagabay at pagkatama.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 6 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 8