Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 38 sa 120 • Tagalog


وَالسَّارِقُ وَالسَّارِقَةُ فَاقْطَعُوا أَيْدِيَهُمَا جَزَاءً بِمَا كَسَبَا نَكَالًا مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 38
Pagsasalin:
Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga [kanang] kamay nila bilang ganti sa nakamit nilang dalawa, bilang parusang panghalimbawa mula kay Allāh. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. Al-Mā’idah 5:38
Tafsīr:
Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo, O mga pinuno, ang kanang kamay ng bawat isa sa kanila bilang pagganti sa kanila, bilang kaparusahan mula kay Allāh sa nagawa nila na pagkuha sa mga ari-arian ng mga tao nang wala sa katwiran, at bilang pagpapasindak sa kanila at sa iba pa sa kanila. Si Allāh ay Makapangyarihan: hindi Siya nadadaig ng anuman, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 37 Susunod Al-Mā’idah • Talata 39