Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 39 sa 120 • Tagalog


فَمَنْ تَابَ مِنْ بَعْدِ ظُلْمِهِ وَأَصْلَحَ فَإِنَّ اللَّهَ يَتُوبُ عَلَيْهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 39
Pagsasalin:
Kaya ang sinumang nagbalik-loob matapos na ng kawalang-katarungan niya at nagsaayos, tunay na si Allāh ay tatanggap sa kanya ng pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Mā’idah 5:39
Tafsīr:
Kaya ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagnanakaw at nagsaayos ng gawain niya, tunay na si Allāh ay tatanggap sa kanya ng pagbabalik-loob bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya. Iyon ay dahil si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila; subalit hindi naaalis sa kanila ang takdang parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kapag umabot na ang usapin sa mga namamahala.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 38 Susunod Al-Mā’idah • Talata 40