Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 40 sa 120 • Tagalog


أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ يُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 40
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa; pinagdurusa Niya ang sinumang loloobin Niya at pinatatawad Niya ang sinumang loloobin Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Al-Mā’idah 5:40
Tafsīr:
Talaga ngang nakaalam ka, O Sugo, na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa: gumagawa Siya sa mga ito ng anumang niloloob Niya, at na Siya ay nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya ayon sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 39 Susunod Al-Mā’idah • Talata 41