Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati nilang ginagawa! Al-Mujādilah 58:15 ⧉
Tafsīr:
Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi sa Kabilang-buhay kung saan magpapapasok Siya sa kanila sa pinakamababang palapag ng Apoy. Tunay na sila ay kay pangit ang dati nilang taglay na mga gawain ng kawalang-pananampalataya sa Mundo.